Wika: Ang Daan Tungo sa Kalayaan
“ Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala. ” Dr. Jose Rizal Ano ang unang pumapasok sa ating isipan kapag naririnig natin ang salitang wika ? Agad nating naiisip na ito ay ang paggamit ng tunog at simbolo upang makipag-ugnayan sa iba. Subalit sa likod nito, may malalim at makapangyarihang papel ang wika sa ating lipunan. Sa pamamagitan nito, tayo ay nagiging malaya, malaya sa pagpapahayag ng ating mga saloobin, damdamin, at kaisipan. Ang wika ay hindi lamang isang kasangkapan sa komunikasyon, kundi isang instrumento ng kalayaan. Ang poster na nasa itaas ay nagpapakita ng iba't ibang simbolo na naglalarawan ng kapangyarihan ng wika bilang isang daan sa pagpapalaya. Sa gitna ng poster, makikita ang isang araw na sumisikat, simbolo ng pag-asa at bagong simula. Pinapakita dito na tayo ay umuunlad gayundin ang ating wika. Sa ibaba ng araw, makikita ang isang sul...